Pangulong Marcos, tiniyak na ginagawa ang lahat para masiguro ang food security ng Pilipinas

Tiniyak ng Pangulong Bongbong Marcos na patuloy na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang masiguro ang sapat na supply ng pagkain sa bansa.

Pahayag ito ng pangulo sa ginawang pamamahagi ng tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang sektor na ginanap sa Talisay City sa Negros Occidental.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na sinisiguro nilang makatatanggap ng tulong ang lahat ng nangangailangan lalo na sa gitna ng krisis sa mataas na bilihin kabilang na ang presyo ng petrolyo.


Samantala, inihayag din ng pangulo na gumagawa na ng plano ang pamahalaan sa pagtugon sa problemang kinakaharap ng nasa sektor ng agrikultura.

Kumpiyansa rin ang pangulo na nasa maayos na kalagayan ang ekonomiya ng Pilipinas.

Una nang nakipagpulong ang pangulo sa Private Sector Advisory Council upang pakinggan ang mga rekomendasyon sa pagpapalakas ng local food production at supply ng pagkain sa bansa.

Facebook Comments