Pangulong Marcos, umapela sa mga guro na huwag husgahan ang mga batang sasailalim sa ARAL Program

Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng stakeholder sa academic sector na aktibong makibahagi sa implementasyon ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law.

Apela ng pangulo sa mga guro, na huwag husgahan, unawaing maigi at turuang mabuti ang mga batang sasailalim sa programa.

Dapat rin aniyang magpatupad ng teaching methods ang mga ito na tutugon sa kung ano ang pangangailangan ng mga kabataaan.


Ayon sa pangulo, malaking papel ang gagampanan ng mga guro, magulang, at iba pang education stakeholders, para sa ganap at matagumpay na implementasyon ng programa.

Facebook Comments