Hindi magtatalaga ng tagapagsalita o spokesperson si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang administrasyon.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Communication Acting Secretary Cesar Chavez na mananatili pa ring pangunahing spokesperson ang pangulo.
Mas maganda aniya na ang magiging tagapaghatid ng mga impormasyon ng pamahalaan at ang magsasalita sa mga isyu ay ang pangulo mismo.
Gayunpaman, sinabi ni Chavez na tutulong pa rin sila sa pangulo na maipaliwanag sa publiko ang tungkol sa mga malalawak na diskusyon.
Halimbawa aniya nito ang mga foreign policy, excutive decisions, at legislative agenda.
Magpapasok rin daw si Chavez ng mga eksperto sa national security, social development, at infrastructure na makakasama niyang magpaliwanag sa publiko.
Habang magiging mas aktibo rin ang pamahalaan sa pagpapaliwanag ng mga usapin patungkol sa West Philippine Sea (WPS).