Hindi kakapusin ng suplay ng bigas ang bansa.
Ito ang pagtaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi naman inaalis ng pangulo ang opsyon na mag-angkat nito dahil manipis ang suplay ng National Food Authority o NFA.
Sa ambush interview sa pangulo, sinabi nitong sa mga nagdaang buwan ay nakaranas ng mga bagyo ang bansa kaya halos maubos ang stocks ng NFA.
Dahil dito nasa 1.5 days lamang ang buffer stock ng NFA ngunit pangkaraniwan ay dapat pang siyam na araw.
Sa ngayon ayon sa pangulo, hinihintay nila ang pag-ani ng mga magsasaka sa huli nilang itinanim.
Ito aniya ay para makita kung sasapat ba ang aanihin para sa kailangang suplay ng bansa.
Sa ilalim ng batas, dapat sa local farmers bibili ng bigas ang NFA.
Aminado rin ang presidente na naghahanap sila ng paraan kung paano tutugunan ang problema na baka tumaas ang presyo o bentahan ng bigas kapag sasabay sa harvest season ang gagawing pagbili ng NFA.