Pangulong Nonoy Aquino – Umapela Sa Media Na Maging Patas Sa Pag-Uulat Sa Mga Tumatakbo Sa May 9 Elections

4

MANILA – Umapela si Pangulong Noynoy Aquino sa media na maging patas sa pag-uulat sa mga tumatakbo sa May 9 Elections.Sa pagharap sa iba’t ibang media executives sa Asya na lumahok sa Publish Asia 2016 – sinabi rin ni PNOY sa media na iwasan na maging paborito ang kandidatong walang ginawa kundi magsalita lang ng mga pang-headline.Ayon sa Pangulo, may mga kandidatong matino at maayos ang mga plataporma para sa sambayanan pero hindi nabibigyan ng pansin bagkus ang paninira sa kandidato ang inaatupag.Aniya, dahil sa pagsi-sensationalize sa mga balita, napapaniwala ang karamihan sa mga botante na may kandidatong masama kahit mabuti at may kandidatong nagiging mabuti kahit maraming kalokohang ginagawa.Pinuna rin ni PNOY ang tinatawag na ‘new media’ na dahil sa pagmamadali nilang magsulat ay nagiging malabnaw naman ang detalye kumpara sa tradisyunal na print media.

Facebook Comments