Pangulong Noynoy Aquino At Prince Albert Ii Ng Monaco, Magpupulong Sa Malakanyang

13

MANILA – Magpupulong ngayong umaga sa malakanyang sina Pangulong Noynoy Aquino at Prince Albert II ng Monaco.Kagabi ay dumating sa bansa si Prince Albert para sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa bansa matapos imbitahan ni P-Noy.Bukod sa arrival honors, luncheon at bilateral meeting, makikiisa si Prince Albert sa Wreath-Laying Ceremony sa Rizal Park.Maliban dito, bibisita rin ang sovereign prince ng Monaco sa Palawan at Tubbataha Reefs National Park na isang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Site.Una nang sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na tatalakayin sa pulong ng dalawa ang economic cooperation, humanitarian assistance, sustainable development at environmental protection agenda.Taong 1999 nang huling bumisita sa bansa ang prinsipe ng Monaco.

Facebook Comments