Pangulong Noynoy Aquino, Ipinaliwanag Ang Magandang Aral Na Idinulot Ng World War 2 Sa Selebrasyon Ng Araw Ng Kagitingan

21

MANILA – Kasabay ng selebrasyon ng ika-74 na anibersaryo ng Araw na Kagitingan na ginaganap sa Bataan ngayong araw, Ipinagmalaki ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang mga nagawang paglilinis sa pamahalaan.Sa kanyang talumpati, inisa-isa niya ang mga positibong naging resulta ng kanyang pag-upo sa pwesto sa loob ng halos anim na taon.Bukod dito, inungkat niya rin ang kasaysayan ng bansa at ipinaliwanag ang naging magandang aral ng naganap na World War 2.Samantala, nagpaalala si P-Noy sa publiko na ituon ang paningin sa hinaharap at huwag kalimutan ang mapapait na aral ng nakaraan.Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, nagpasalamat ang pangulo sa anim na taong ibinigay sa kanya ng taumbayan para mamuno sa bansa.

Facebook Comments