MANILA – Humingi ng tawad si Pangulong Nonoy Aquino sa pamilya ng 18 sundalo na nasawi sa madungong engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf sa Tipo-Tipo Basilan.Ito ay kasabay ng personal na pagdalaw ni PNOY sa mga sugatang sundalo sa military hospital sa Camp Navarro sa Zamboangao City.Ayon kay Major General Gerardo Barrientos, Commander ng 1st Infantry Division, dinalaw ni PNOY ang mga biktima para personal na magbigay ng pugay sa mga naulilang asawa ng mga kasundaluhan.Dito rin aniya sinabi ng Pangulo ang benipisyong makukuha ng mga naulila na aabot ng mahigit P500,000.Sinabi naman ni AFP Spokesperon Brigadier General Restituto Padilla, na umakyat na sa 28 ang nasawi sa panig ng bandidong grupo sa nagpapatuloy na bakbakan nila ng militar.Nakubkub rin aniya ng militar ang isang kampo ng Abu Sayyaf at 59 na sako ng bigas na nakaimbak rito.Tiwala naman ang AFP na malaki ang tyansang na maubos na nila ang bandidong grupo sa patuloy nilang pagtugis sa mga ito.
Pangulong Noynoy Aquino, Nag “Sorry” Sa Mga Pamilya Ng 18 Sundalong Nasawi Sa Engkwentro Sa Basilan
Facebook Comments