Pangulong Noynoy Aquino, Naglabas Ng Sama Ng Loob Sa Mga Miyembro Ng Media

11

MANILA – Naglabas ng sama ng loob si Pangulong Noynoy Aquino sa ilang miyembro ng media kaugnay sa ilang mga maling balita.Sa kanilang pangangampanya sa Batangas City kasama sina Liberal Party Bet Mar Roxas at Vice-Presidential Candidate Leni Robredo, sinabi ng pangulo ang kanyang puna at hinanakit sa mga mamamahayag at kolumnista.Ayon kay Pnoy, hindi patas ang trato ng media kay Roxas kung saan pilit na iginiit kung ano ang ginawa nito sa kasagsagan ng bagyong Yolanda.Samantalang alam anya ng lahat na naroon ito bago pa man dumating ang bagyo.Sinabi pa ni Pnoy, na labing anim (16) na araw itong nananatili sa lalawigan para mangasiwa sa pagtulong ng mga naapektuhan ng bagyo at nanguna sa rehabilitasyon ng mga nasalantang bayan.Pero sa kabila ng mga nagawa ni Roxas, puro pambabatikos at pag-kwestyon ang napala nito sa media.Muli naman sinabi ng Pangulo na malayo pa sana ang narating ng bansa kung hindi naganap ang anumalya sa nagdaang Administrasyon.

Facebook Comments