Pangulong Rodrigo Duterte, aminadong hindi kuntento sa takbo ng COVID-19 vaccination ng pamahalaan

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa siya kuntento sa kasalukuyang takbo ng COVID-19 vaccination sa bansa.

Sa kaniyang Talk to the People Address, sinabi ng Pangulo na hindi pa niya matukoy kung saan nagkakaroon ng problema sa delivery ng mga bakuna.

Dahil dito, inatasan na ng Pangulong Duterte ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at ang Department of the Interior and Local Government na tumulong sa LGU’s upang mapabilis ang paghahatid ng mga bakuna.


Sa kabila nito, iginiit din ng Pangulo na problema pa rin ngayon ang mga magtuturok naman ng bakuna.

Tiniyak naman ng Pangulo na mananagot ang local chief executives na mapapatunayang nagpabaya at hindi agad

Ayon sa Pangulo, sa kabuuan ay nasa 59.5 million doses na ng bakuna ang naiturok sa buong bansa kung saan nahigitan na nito ang target na 55 million sa pagtatapos ng Oktubre.

Facebook Comments