Pangulong Rodrigo Duterte at Japan Prime Minister Yoshihide Suga, nagkausap kahapon

Photo Courtesy: PCOO

Nagkasundo sila Pangulong Rodrigo Duterte at Japan Prime Minister Yoshihide Suga na panatilihin ang seguridad at katatagan sa South China Sea sa ilalim ng international law.

Ito ay sa kabila ng nararanasang tensyon sa kalapit na bansa sa Asia-Pacific region.

Sa pahayag, sinabi ng Malacañang sa 20-minutong pag-uusap sa telepono nina Pangulong Duterte at Suga, nagkasundo ang mga ito na palakasin pa ang bilateral ties ng Pilipinas at Japan.


Iginiit ng Pangulo ang matatag na kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa pagtataguyod ng maritime domain awareness, maritime security, maritime connectivity and commerce at malayang paglalakbay sa rehiyon.

Hindi naman naiwasan ni Suga na ibahagi ang kaniyang pagkaalarma sa mga aktibidad sa South China Sea.

Facebook Comments