Nagharap na sa bilateral meeting sina pangulong rodrigo duterte at russian president vladimir putin.
Naging mainit ang pagtanggap ng dalawang presidente sa isa’t-isa.
Sa kanilang pulong, pinasalamatan ng Pangulong Duterte si Putin sa kanyang imbitasyon.
Umaasa ang pangulo na ang pulong nila ay magpapatibay pa ng relasyon ng Pilipinas at Russia.
Binanggit din ng pangulo na napaikli ang kanyang pagbisita sa Russia noong 2017 dahil sa Marawi Crisis.
Pero binigyang diin niya na napalakas na nito ang strategic cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Ikinukunsidera naman ni Putin na isa sa mahalagang partner sa Asya ang Pilipinas.
Nais din ng Russian President ng mapagbuti pa ang kooperasyon sa Pilipinas lalo na sa paglaban sa terorismo, pagpapalakas industrial sector.