Pangulong Rodrigo Duterte at Thai Prime Minister Prayuth Chan-Ocha, lumagda ng ilang kasunduan

Manila, Philippines – Nilagdaan ng Pilipinas at Thailand sa isang Memorandum of Understanding para paigtingin pa ang bilateral relationship sa komunikasyon ng dalawang bansa.
 
Ayon kay Presidential Communications Office Sec.Martin Andanar, ito ay para labanan ang pagkalat ng mga pekeng balita.
 
Sakop ng MOU ang tv, radio, print, public relations at social media management.
 
Giit ni andanar, hindi lang ang pilipinas at thailand ang dapat na magkaisa kundi maging ang iba pang bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para labanan ang mga fake news.
 
Si Andanar ay kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang official working visit sa Thailand.
 
Photo from: PTV
 
 

Facebook Comments