Nagpaabot ng mensahe ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa ngayong ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw.
Sa pahayag, ipinaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino ang kabayanihan at pagkakaisa na namayagpag 36 taon nang nakalilipas upang ipaglaban ang demokrasya.
Pinasalamatan din ng punong ehekutibo ang mga medical at essential workers at mga tapat na public servants na siyang sumasalamin sa tunay na diwa ng People Power Revolution.
Sinabi rin nito na dapat manaig pa rin ang pagiging, mapagmalasakit at mapagkumbaba ng mga Pilipino ngayong patuloy pa rin ang pakikipaglaban ng Pilipinas sa mga pagsubok.
Ipinaalala naman ni Vice President Leni Robredo ang istorya ng EDSA Revolution ay simbolo ng pagtindig at paglaban para sa kalayaan.
Naniniwala rin ang bise presidente na higit pa sa pangalan ang araw na ito kung saan dapat patuloy na isabuhay ang pagmamahal para sa bayan.