Pangulong Rodrigo Duterte, balik bansa na matapos ang pagdalo sa belt and road forum sa China

Balik bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pagdalo sa ikalawang belt and road forum sa Beijing, China.

 

Kaninang hatinggabi nang lumapag sa Davao City ang eroplanong sinakyan ng pangulo.

 

Pero bago umuwi, nakipag-pulong muna si Pangulong Duterte kina Chinese President Xi Jinping at Premier Li Kiqiang.


 

Dito, iginiit ng pangulo ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas na nagpapawalang bisa sa historic claims ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea kabilang ang mga lugar na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

 

Sa kabila ng pagkakaiba ng posisyon, nagkasundo ang dalawang lider na ituloy ang diplomatikong paraan ng pagtugon sa isyu.

 

Samantala, nasa 12.16 bilyong pisong halaga naman ng investment ang nakuha ng bansa mula sa China.

 

Personal na sinaksihan ng pangulo ang paglagda sa 19 na business agreement na inaasahang magdadala ng mahigit 21,000 mga bagong trabaho sa bansa.

 

Kabilang dito ang ilang mga negosyo na may kaugnayan sa petrochemical, industrial park, infra projects at food production.

 

Facebook Comments