Pangulong Rodrigo Duterte, bibisita mamayang gabi sa burol ng mga nasawi sa Resorts World Manila Attack

Manila, Philippines – Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga labi ng mga nasawi sa Resorts World Manila.

Matatandaang umakyat na sa 38 ang bilang ng mga namatay sa naganap na pag-atake sa Resorts World kung saan kabilang na sa nabanggit na bilang ang suspek.

Nabatid na mamayang alas-otso ng gabi ay pupunta ang Pangulo sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City para personal na magpa-abot ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigang naulila ng mga nasawi.


Pero bago ang pagbisita sa Pasay City ay pupunta muna si Pangulong Duterte sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan De Oro City para bisitahin ang mga sugatang sundalo na nakipagbakbakan sa Maute Group sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments