Iginiit ng partidong Aksyon Demokratiko na namemersonal si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mga nagiging kritiko.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Aksyon Demokratiko Secretary General Ernest Ramel na umaangat na kasi ngayon sa ratings si Manila Mayor Isko Moreno.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte noong Lunes na may isang alkalde sa Metro Manila na nabigo umanong isaayos ang pamamahagi ng ayuda sa kaniyang nasasakupan.
Sa kabila niyan, dinepensahan din ni Ramel si Moreno lalo na’t nitong Mayo lamang ay tumanggap ng pagkilala ang alkalde mula sa dalawang ahensiya ng pamahalaan dahil sa maayos na cash aid distribution.
Facebook Comments