Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema hinggil sa pag-iisyu ng Temporary Restraining Order (TRO) sa mga proyektong pinapasok ng pamahalaan.
Sa arrival speech ng pangulo sa Davao City – sinabi nitong hindi siya makakapayag na dahil lamang sa pag-iisyu ng TRO ay made-delay ang mga proyekto ng pamahalaan.
Ayon sa pangulo – huwag sana siyang subukan ng Korte Suprema dahil mapipilitan siyang suwayin ang mga ito.
Dagdag ng pangulo – alam niya ang kalakaran ng ilang korte sa bansa kung saan nababayaran ang ibang hukom para lamang ilaglag ang isang proyekto.
Giit nito sa Korte Suprema – hindi sila ang dapat na magdedesisyon para lamang maparalisa ang mga nakahanay na proyekto dahil lamang sa paglalabas ng TRO.
Facebook Comments