Pangulong Rodrigo Duterte, binanatan si Ombudsman Conchita Carpio-Morales

Manila, Philippines – Ubos na ang pasensya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ito’y matapos sabihin ni Morales na hindi katanggap-tanggap ang ginagawang pagbabanta ng pangulo na papatayin ang mga kriminal.

Buwelta ni Duterte, wala namang batas na nagsasabing bawal bantaan ang mga kriminal.


Inakusahan pa nitong korap ang Ombudsman at inutusang ayusin ang naturang investigating body.

Aniya, sa halip na mangialam dapat ay manahimik na lang si Morales.

Samantala, tinawanan lang ni Morales ang mga banat sa kanya ng pangulo.

Sa isang pahayag, nanindigan si Morales na hindi tamang magbanta ng pagpatay pero iginiit na wala siyang binabanggit na anumang batas na nagbabawal dito.

Dapat aniya ay i-review muna ni Duterte kung ano ang kanyang sinabi.

Ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ay asawa ng pamangkin ni Ombudsman Morales na si Mans Carpio.

Facebook Comments