Manila, Philippines – Binigyan na ng deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines para tapusin na grupong Maute sa Marawi City.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo – tatlong araw ang ibinigay sa kanila ng pangulo upang tuldukan ang nagaganap na giyera sa lungsod.
Sa kabila ng deadline, siniguro ng opisyal na prayoridad pa rin nila ang kaligtasan ng mga sibilyan.
Kahapon, nasa 179 na sibilyan ang nailigtas sa pamamagitan ng humanitarian ceasefire.
DZXL558
Facebook Comments