Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo sa Jolo, Sulu ilang linggo matapos maganap ang shooting incident na ikinamatay ng apat na sundalo sa kamay ng mga pulis noong June 29.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbigay ng talumpati ang Pangulo at dinalaw rin niya ang mga sugatang sundalo.
Inaasahang i-eere ang naging talumpati ni Pangulong Duterte sa Jolo mamayang alas-8:00 ng umaga.
Bago ito, nakipagpulong si Pangulong Duterte sa police at military officials sa Zamboanga City noong July 3 para talakayin ang nangyaring insidente.
Una nang ipinanawagan ng Pangulo sa mga sundalo na manatiling kalmado at hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nangako rin ang Pangulo na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kasamahan.
Ang siyam na pulis na sangkot sa insidente ay nasa restrictive custody sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.