Manila, Philippines – Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa co-ownership ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa talumpati ng pangulo sa turnover ng bahay pag-asa phase 2sa Brgy. Mipaga, Marawi City, sinabi ng pangulo, na tatanggapin niya ang offer ng China para magsagawa ng joint exploration sa West Philippine Sea*.*
Noong nakaraang taon kinatigan ng United Nations Arbitral Tribunal ang karapatang ng Pilipinas sa WPS.
Ibig sabihin, Pilipinas lang ang may karapataan sa lahat ng yamang dagat sa WPS na nasa loob ng 200 nautical mile exclusive economic zone.
Sa kabila nito, ayon sa pangulo, hindi niya hahayaan na magkaroon ng giyera para lang ipatupad ang nasabing ruling.
Facebook Comments