Pangulong Rodrigo Duterte, bumisita na sa puntod ng kaniyang magulang sa Davao City

287

Bumisita na kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kaniyang mga magulang sa Davao City.

Ito ay isang araw bago ang simula ng isang linggong pagsasarado ng mga sementeryo at crematoriums sa bansa dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.


Sa mga larawan na ibinahagi ni Senator Bong Go, makikitang nakasuot ng face mask ang Pangulo kung saan hawak ang mga lumang litrato ng kaniyang mga magulang.

Ayon kay Go, bumisita ang Pangulo bandang alas-6:00 ng hapon kahapon.

Matatandaang sa kaniyang public address noong Martes ay nanawagan ang Pangulo ng mapayapa at ligtas na pag-gunita sa Undas.

Facebook Comments