Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Siargao Island kahapon upang tingnan ang kalagayan ng mga residenteng nasalanta ng Bagyong Odette.
Dito ay nagtungo sila sa evacuation centers sa bayan ng Dapa kung saan nanunuluyan ang ilang mga biktima ng bagyo.
Samantala, sa Surigao City ay may mga naitala na ring kaso ng looting o pagnanakaw dahil sa kaunting mga ayuda na dumarating sa lugar.
Ayon kay Surigao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Marilyn Pono, ilang groceries sa lungsod ang napasok pero agad namang nakontrol matapos bantayan ng mga tauhan ng Philippine National Police.
Sa ngayon ay nananatiling pahirapan ang paghahatid ng tulong sa lalawigan ng Surigao del Norte partikular na sa mga malalayong lugar.