Pangulong Rodrigo Duterte, dumalo sa graduation ng kaniyang bunsong anak

Manila, Philippines – Dumalo  si Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation rites ng kanyang bunsong anak kasama ang kanyang common-law wife na si Honeylet Avanceña sa Stella Maris Academy sa Davao City.
 
Ito ay sa kabila ng okupadong schedule nito kahapon, bago tumulak papuntang bukidnon.
 
Bukod sa pagiging honor student ni Veronica “Kitty” Duterte sa graduation nito sa elementarya nakatanggap din ito ng special awards na “Best in Current Events” at “third honors in CHINESE.”
 
Maalala na si Kitty ay unang nakita sa publiko noong 2016 Presidential Campaign na kung saan siya ang humawak sa bibliya para sa kanyang ama nang nanumpa ito bilang ika-16 na pangulo ng bansa.

Photo from: Bong Go
 
 

Facebook Comments