Dumating na kagabi sa China si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pangulo at kanyang delegasyon at lumapag sa China alas-11:10 ng gabi.
Dito ay inaasahang makakapulong niya si Chinese President Xi Jinping para pag-usapan ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Arbitration sa West Philippines Sea.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, lilinawin ng pangulo kay President Xi ang Maritime Entitlements ng Pilipinas.
Isusulong din ng pangulo ang Code of Conduct para sa mga bansang may territorial claims din sa lugar na sinabi niyang inaantala ng China.
Ipapakita rin ng pangulo ang kanyang suporta sa Gilas Pilipinas kung saan panonoorin niya ang opening game kontra italoy sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan City sa Guandong Province.
Ang delegasyon ay kinabibilangan ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., Executive Sec. Salvador Medialdea, Finance Sec. Carlos Dominguez III, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Trade Sec. Ramon Lopez, Science and Technology Sec. Fortunato Dela Peña, at Energy Sec. Alfonso Cusi.
Kasama rin si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Ched Chairperson Prospero De Vera III, Customs Commissioner Rey Guerrero, at Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Si Justice Sec. Menardo Guevarra ang magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa China ang pangulo.