Pangulong Rodrigo Duterte, ginunita ang mga sundalong sumabak sa Korean War sa ika-70th anniversary nito

Muling inalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-70th anibersaryo ng Korean War ang 7,420 sundalong Pilipino na nagsilbi sa United Nations kung saan 116 ang namatay.

Ayon kay Pangulong Duterte, nararapat lamang na gawing inspirasyon ng mga Pilipino ang sakripisyong ginawa ng mga sundalo ng bansa sa gitna ng kinakaharap na pandaigdigang problema.

Nabatid na ang nasabing okasyon ay ginunita sa gitna ng muling pagkabuhay ng tensyon sa Korean Peninsula kasabay ang patuloy na paglaban ng mundo sa COVID-19 pandemic.


Matatandaang naganap ang giyera sa pagitan ng North at South Korea ng tatlong taon kung saan nagsimula ito noong June 25, 1950 na nagtapos sa pamamagitan ng isang kasunduan.

Facebook Comments