Manila, Philippines – Handang akuin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong responsibilidad sa posibleng epekto ng idineklara nitong martial law sa Mindanao.
Sa kanyang pagbisita sa Iligan City kagabi, pinalakas ng pangulo ang loob ng mga dagdag na tropa ng mga sundalong aabante papuntang Marawi City.
Sinabi ni Duterte sa mga sundalo na huwag matakot at ituloy lang ang kanilang trabaho sa gitna ng umiiral na martial law.
Tiwala naman ang pangulo na mananalo ang tropa ng pamahalaan laban sa mga terorista lalo’t handa ang gobyernong ibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan.
Samantala, kampante rin si AFP Chief-of-Staff Gen. Eduardo año na matatapos ang krisis sa Marawi City bago matapos ang itinakdang 60 araw na martial law sa rehiyon.
DZXL558