Manila, Philippines – Hinamon ng giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines.
Ito’y matapos na mapikon ang pangulo sa pahayag ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison na hindi sila makikipag-usap sa gobyerno dahil sa umiiral na martial law sa Mindanao.
Sa isang investment conference sa Davao City kahapon sinabi ni Duterte na handa siyang makipaglaban sa mga rebelde kahit pa abutin ng 50 taon.
Binanatan din nito ang CPP-NDF matapos siyang tawaging ‘bully’.
Noong Miyerkules, matatandaang kinansela ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang backchannel talks ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF matapos ang naging pag-atake ng rebeldeng grupo sa convoy Presidential Security Group sa Arakan, Cotabato.
Facebook Comments