Manila, Philippines – Hindi na ipipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng emergency powers para mapabilis ang pagtatayo ng mga imprastraktura para mapagaan ang daloy ng mga sasakyan at mapabilis ang takbo ng ekonomiya.
Ayon kay P-Duterte, kung ayaw ibigay sa kanya ng Kongreso ang emergency powers ay okay lang ito sa kanya.
Karapatan din naman aniya ng mga kongresista na isipin ang posibilidad ng katiwalian dahil hindi na dadaan sa bidding ang mga proyekto kung umiiral na ang kanyang emergency powers.
Pero muli din namang tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga kongresista na hindi magkakaroon ng malakihang katiwalian sa kanyang gobyerno dahil hindi niya ito papayagan.
DZXL558
Facebook Comments