Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na makikipagnegosasyon sa Maute Group

Cebu, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya makikipagnegosasyon sa Maute Group.

Sa pagbisita nito sa Mactan-Benito Ebuen Airbase Aguinaldo, Lapu-Lapu City Sa Cebu sinabi ng Pangulo na huli na para makipag-ayos sa mga teroristang grupo.

Binigyang diin pa ng Pangulo – uubusin niya ang lahat ng mga miyembro nito.


Hindi rin hahayaan ng Pangulo na makapagtayo ng sariling Islamic State ang mga teroristang grupo sa Pilipinas.

Kasabay nito, inimbitahan din ng pangulo ang New People’s Army (NPA) na makipagtulungan na sa gobyerno para puksain ang terorismo.
DZXL558

Facebook Comments