Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na sasalubong sa mga darating pang mga bakuna

Huli na ang ginawang pagsalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 1-M na biniling mga bakuna ng bansa mula sa Sinovac nitong March 29.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi na kasi sasalubong pa ang Pangulo sa mga next batch ng mga darating na bakuna.

Ani Roque, magsusunod-sunod na kasi ang dating ng mga bakuna kaya posibleng si National Task Force (NTF) chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez na at iba pang opisyal ng Inter-Agenct Task (IATF) Force ang sasalubong sa mga bakuna.


Matatandaang unang sumalubong ang Presidente sa donasyong Sinovac vaccines na mula sa China nuong February 28 na umabot sa 600 thousand doses at nasundan noong dumating ang AstraZeneca nitong nagdaan March 4.

Nito sanang March 24 ide-deliver ang 929 libong doses ng Astra Zeneca mula sa COVAX Facility pero dahil sa global situation kung saan ang mga bansang gumagawa ng bakuna ay prayoridad munang bakunahan ang kanilang mamamayan kaya’t hindi pa sila makapag deliver sa ibang mga bansa kabilang ang Pilipinas.

Inaasahang ngayong 2nd quarter ng taon ay magkakaroon ng 11.5M doses na delivery ng mga bakuna sa bansa mula sa Sinovac, Gamaleya, Moderna at AstraZeneca.

Facebook Comments