Pangulong Rodrigo Duterte – hindi nakadalo sa flag raising at wreath laying ceremonies sa Rizal Park, Duterte – napuyat sa pagsalubong sa labi ng mga sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi City

Manila, Philippines – Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte para pangunahan sana ang selebrasyon ngayong araw ng ika-119th anibersaryo ng araw ng kalayaan sa Rizal Park sa Maynila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi nakarating ang pangulo dahil mayroon itong napaka-importanteng bagay na kailangang asikasuhin.

Dahil dito, sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at Vice President Leni Robredo na lamang ang nanguna sa flag raising at wreath laying ceremonies sa Rizal Park.


Tikom naman ang bibig ni Abella kung ano ang mahalagang bagay na kailangang gawin ng pangulo.

Pero ayon kay Cayetano – pagod at puyat si Pangulong Duterte dahil sa pagsalubong nito sa mga labi ng mga sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi.

Ito sana ang unang pagdalo at pangunguna ng pangulo sa Independence Day celebration bilang president ng bansa.

Nauna nang kinansela ng pangulo ang tradisyunal na Independence Day vin d’honneur na ginagawa taon-taon sa Malakanyang.
DZXL558

Facebook Comments