Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pabor na maglabas ng Medical Bulletin

Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na regular na mag-isyu ng Medical Bulletin sa publiko.

Ito’y matapos makaranas siya ng pananakit ng likod habang siya ay nasa Japan noong nakaraang Linggo.

Aminado ang Pangulo na masakit pa rin ang kanyang likod.


Ang nararanasan niyang Muscle Spasm ay may pinagmulan pero hindi ito maipaliwanag ng Pangulo.

Matatandaang nagkagalos ang Pangulo matapos maaksidente sa motorsiklo sa loob ng Malacañan Complex noong October 16.

Samantala, inaasahang tutungo ang Pangulo sa Thailand ngayong Linggo para dumalo sa 35th ASEAN Summit.

Facebook Comments