Pangulong Rodrigo Duterte, hindi sasampahan ng libel si dating Sen. Kit Tatad

Manila, Philippines – Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan ng kasong Libel si dating Senador Kit Tatad.

Ito ay sa harap narin ng isinulat ni Tatad kung saan ay sinabi umano nito na dumaan sa kidney transplant si Pangulong Duterte na mariin din namang itinanggi ng Pangulo kahapon kung saan ay naglabas pa nga ito kay Tatad.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagalit si Pangulong Duterte sa isinulat nj Tatad at ang nga nasabi ng pangulo kagabi ay pawang dramatization at exaggeration na sagot lang ng Pangulo sa Libelous na sulat ni Tatad.


Pero makikita naman aniya na hindi namang nagsasampa ng Kasong Libel ang Pangulo laban kay Tatad.

Paliwanag pa ni Panelo, imposible talaga ang sinabi ni Tatad na petsa kung saan dumaan sa kidney transplant ang Pangulo dahil ang petsa na iyon ay ang araw kung saan pinanood ni Pangulong Duterte ang premier night ng pelkula ni dating PNP Chief Ronald dela Rosa.

Facebook Comments