Pangulong Rodrigo Duterte, hinikayat ang mga Pilipino na pasyalan ang local destinations

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na pasyalan ang local tourist destinations para mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na maaaring puntahan ang mga lokal na pasyalan kapag nakalatag na ang mga kinakailangang sistema.

Makakaasa aniya ang sektor ng turismo sa pamahalaan ng buong suporta.


Dagdag pa ng Pangulo, ang National Government Agencies at Local Government Units (LGU) ay gagawing ‘harmonize’ ang mga polisiya para mapalakas ang turismo.

Una nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang tourism revenue mula foreign arrivals mula Enero hanggang Marso ay bumagsak ng ₱79.8 bilyon mula sa ₱134.3 bilyon sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Facebook Comments