Pangulong Rodrigo Duterte, hinikayat ng mga parlyamentong grupo mula sa Southeast Asia na wakasan na ang red-tagging

Nanawagan ang ASEAN Parliamentarians for Human Rights (APHR) kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang opisyal ng gobyerno na wakasan na ang kampanya nito laban sa red-tagging sa kaniyang mga oposisyon na umano’y paraan nito para patahimikin ang kaniyang mga kritiko.

Ayon kay Charles Santiago, Malaysian Member ng Parliament (MP), at chair ng APHR, malaki ang naging epekto ng red-tagging sa kaguluhan sa Pilipinas.

Nagreresulta kasi aniya ito hindi lamang ng pagpapatahimik sa oposisyon ng administrasyong Duterte, kundi maging ang paglagay sa peligro ng buhay ng mga tao.


Matatandaang una nang inakusahan ni Pangulong Duterte ang ilang progresibong grupo, gaya ng Makabayan at Gabriela na front ng Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.

Facebook Comments