Pangulong Rodrigo Duterte, humiling ng limang buwang extension ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na palawigin ng limang buwan o hanggang Disyembre 31, 2017 ang martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nabuo ang konklusyong dahil hindi pa tuluyang masusugpo ang rebelyon sa Mindanao hanggang July 22 na siyang huling araw ng martial law sa rehiyon.

Aniya, layon rin nitong mabigyan ng sapat na panahon ang gobyerno para ipagpatuloy ang kanilang operasyon at hindi naaantala ng anumang deadline.


Makakatulong din anya ito para makapagpokus ang mga militar sa rehabilitasyon at pagbangon ng lungsod.

Tinyak naman ni Pimentel na pagpapaliwanagin nila si Defense Secretary Dellfin Lorenzana para sa limang buwang extension ng batas militar.

*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*

Facebook Comments