Pangulong Rodrigo Duterte, humingi ng paunmanhin sa mga taga-Leyte na nabiktima ng lindol

Leyte – Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Leyte na nabiktima ng magnitude 6.5 ng lindol.

Aminado ang Pangulo na hati ang atensyon ng pamahalaan dahil sa krisis sa Marawi.

Tiniyak ng Pangulo, walang magiging katiwalian lalo sa pagtugon sa kalamidad.


Malaking bagay aniya na karamihan sa kanyang mga gabinete ay galing sa militar.

Nagpasalamat naman si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa pagbisita ng Pangulo.

Hiling ng alkalde, matupad ang pangakong tulong ng administrasyon.

Sa ginawang cabinet meeting kahapon, nagbigay ng update sa pangulo ang mga gabinete kaugnay sa pagtugon matapos ang lindol.

Facebook Comments