Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit na ginagamit lang ng ISIS ang Maute Group para pasukin ang Pilipinas

Manila, Philippines -Hindi Maute kundi purong ISIS ang kalaban ng gobyerno ngayon sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at teroristang Maute Group sa lugar.

Aniya, ginamit lang ng ISIS ang magkapatid na maute para makapaghasik ng gulo sa bansa.


Dagdag pa ng pangulo, noon pa man ay may kutob na siyang aatake sa bansa ang nasabing terorista lalo na nang italagang emir ng ISIS ang lider ng Abu Sayyaf Group na si Isnilon Hapilon sa Timog-Silangang Asya.

Muli rin namang iniugnay ni Duterte ang drug money sa mga aktibidad ng mga teroristang grupo.

Samantala, posibleng i-extend ng pangulo ang idineklara nitong martial law sa Mindanao.

Aniya, ito ay kung hindi pa magiging maayos ang sitwasyon sa Marawi kahit natapos na ang 60 araw na taning ng batas militar sa rehiyon.
DZXL558

Facebook Comments