Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit na walang face-to-face classes hangga’t walang COVID-19 vaccine

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang pagsasagawa ng physical classes hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19.

Nabatid na inaprubahan niya ang proposal ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng limited face-to-face classes sa mga lugar na itinuturing na low-risk sa COVID-19 transmission simula Enero 2021.

Sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na inaprubahan niya ang proposal ng limited face-to-face classes dahil sa pagkakaalam niya ay available na ang bakuna sa Setyembre.


Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi niya isasaalang-alang ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante at mga guro.

Una nang nilinaw ng DepEd na ang isasagawa lamang ang limited face-to-face classes sa low-risk areas kung ang local Government Units (LGU) o ang eskwelahan ay magpapasa ng request sa regional o division office ng kagawaran.

Sa nalalapit na pasukan sa August 24, ang mga lesson ay ipapadala sa mga estudyante sa pamamagitan ng online platforms, printed at digital modules, maari rin sa telebisyon at radyo.

Sa huling datos ng DepEd, aabot na sa 22.1 milyon na mag-aaral ang naka-enroll sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.

Facebook Comments