Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalaan niya ang nalalabing dalawang taon sa kanyang termino sa paghabol sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot sa korapsyon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na uubusin niya ang kanyang nalalabing panahon upang masigurong makukulong ang mga opisyal na dawit sa mga anomalya sa ahensiya.
Kasabay nito, hinikayat rin ni Pangulong Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na ilathala ang lahat ng kanilang nagastos sa paglaban sa COVID-19 pandemic kahit ang isang paperclip na ginamit.
Una riyan ay ipinag-utos na ng Pangulo ang pagbuo sa isang task force sa pamumuno ng Department of Justice (DOJ) na mag-iimbestiga sa mga anomalyang ibinabato sa ahensiya.
Facebook Comments