Pangulong Rodrigo Duterte, inaming nainsulto sa mga komento ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang administrasyon

Manila, Philippines – Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Noynoy Aquino sa muling pagbisita nito sa Marawi City kahapon.

Ayon kay Duterte – nakakainsulto ang mga binitiwang komento ng dating Pangulo Aquino lalo na’t maraming mga pulis at sundalo ang nagbubuwis ng buhay para sa bansa.

Natural lamang aniya na magalit siya kung sasabihing walang nangyayari sa mga repormang ipinatutupad ng kanyang administrasyon, partikular sa giyera kontra droga.


Nagpunta muli si Duterte sa Marawi City upang pataasin ang morale ng mga sundalo na patuloy na nakikipagbakbakan sa teroristang grupong Maute.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 119 ang nasawi sa hanay ng gobyerno sa patuloy na bakbakan.

Facebook Comments