Pangulong Rodrigo Duterte, inaming sumasabay ang mga vigilante sa kanyang kampanya kontra droga at kriminalidad

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng may mga vigilante na nagkukusang sumali sa kampanya kontra droga at kriminalidad.

 

Ayon kay Duterte – nakakuha lamang sa kanya ng taktika ang mga vigilante na gumagala at pumapatay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

 

Maari aniyang nahimok sila sa kanyang pananalita.

 

Payo naman ni Commission on Human Rights (CHR) spokesperson, Atty. Jackie De Guia – aksyunan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kaso ng extrajudicial killings para mapatunayan na hindi nila ito kinukunsinte.

 

Nabatid na sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya ng absolute pardon ang mga pulis at sundalo na masasangkot sa human rights violation.


Facebook Comments