Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3 simula March 28 hanggang April 30, 2022.
Sa isinagawang seremonya para sa pagkakumpleto ng MRT-3 rehabilitation, sinabi ng pangulo na napapanahon ang pagsasakatuparan sa proyektong ito.
Sinasalamin lamang aniya nito ang commitment ng administrasyon na paigtingin ang national road system ng bansa na layong magkapagbigay ng de kalidad na serbisyo sa mga Pilipino bilang tugon sa new normal.
Sa kasalukuyan, nasa 22 na ang tumatakbong train ng MRT Line 3 at mayroon na itong operational speed na 60kph mula sa dating 25kph.
Ang headway o interval sa pagitan ng pagdating ng mga train ay bababa na sa tatlo’t kalahating minuto mula sa dating 11 minuto.
Habang nasa 600, 000 na ang average na bilang ng pasahero na kayang maisasakay ng tren, mula sa dating 200, 000 passengers.