Nagbaba ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drug Administration na bumuo ng panel of experts para sa drugs and vaccine development kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque, ito ay para masigurong ligtas at epektibo ang mga aangkating bakuna mula sa ibang bansa.
Aniya, ang mga eksperto mismo ang mag-aayos ng mga datos ng gamot at bakuna bago simulan ang pamamahagi nito sa publiko.
Mismong si FDA Director General Eric Domingo ang inatasan ng Pangulo kung saan ang ahensya rin ang magsasabi kung pasado ba ang bakuna mula sa dayuhang bansa na mag-a-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) sa bansa.
Facebook Comments