Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na babalik siya sa China sa Mayo.
Sa kaniyang 31st Convention ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce And Industry, ayon sa Pangulo – inimbitahan siya ni Chinese President Xi Jinping para dumalo sa One Belt, One Road Forum.
Nangako rin aniya ang China na magtatayo ng dalawang tulay sa bansa ng libre.
Kasabay nito, ibinunyag rin ng Pangulong na may nagregalo sa kaniya ng mamahaling relo na pinag-iisipan niya na ibenta o isauli na lang.
Aniya, hindi niya kayang panindigan na magsalita na labanan ang korupsyon kung nakasuot siya ng rolex.
Muli ring nagbanta ang Pangulo ng pagdedeklara ng Martial Law kung patuloy na mambibiktima ng sibilyan ang mga teroristang grupo.
Facebook Comments