Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaalala sa mga Chinese Investor na dapat sundin ang mga patakaran sa Pilipinas

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese Investor na isumbong sa kanya ang anumang senyale ng pangingikil.

Sa kanyang talumpati sa Parañaque City kagabi, sinabi ng pangulo na kapag may nagtangkang mangikil sa mga dayuhang namumuhunan ay dapat pagsasampalin ang mga ito.

Pwede nilang isumbong ang nararanasang pangingikil sa pulisya, militar, kanyang opisina, maging kay Sen. Bong Go.


Pero paalala ng mga pangulo sa mga ito, na dapat sundin ang mga batas at patakaran ng Pilipinas.

Kahit may mataas na potensiyal ang mga Chinese Investment sa bansa, hindi dapat ito magamit sa ilegal na aktibidad.

Pakiusap ng pangulo sa mga Banyagang Investor, bayaran ng tama ang mga manggagawang Pilipino, magbayad ng tamang buwis at siguradong maibabalik ang kanilang puhunan.

Nagbabala rin ang pangulo sa mga Loan Shark na minsan nauuwi sa kidnap for ransom.

Facebook Comments