Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagmalaking natupad ang halos lahat ng pangako noong 2016 elections

281

Inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na natupad ang halos lahat ng kaniyang ipinangako noong 2016 elections.

Ayon sa Pangulo, ngayong nalalapit nang matapos ang kaniyang termino ay ipinagmamalaki niyang marami ang nagbago.

Inihalimbawa ng Pangulo ang peace and order at ang giyera kontra sa iligal na droga na isa sa tinutukan ng kaniyang administrasyon.


Sinabi pa ng Pangulo na ginawa raw niya ang lahat para sa taong bayan.

Facebook Comments