Pangulong Rodrigo Duterte, isasailalim sa COVID-19 test bago ang kaniyang ika-5 SONA

Sasailalim sa COVID-19 swab test si Pangulong Rodrigo Duterte bago ang kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 27, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais makatiyak ng Pangulo na negatibo siya sa COVID-19 bago ang kaniyang SONA.

Batay sa naaprubahan, personal na magtutungo si Pangulong Duterte sa Batasang Pambansa sa Quezon City para sa kaniyang SONA.


Una nang sinabi ni House Deputy Secretary General for Administration Department Dr. Ramon Ricardo Roque na maging ang mga mambabatas at kanilang mga staff na dadalo sa SONA ay sasailalim din sa swab testing at rapid testing.

Kung magpositibo, hindi na papayagang makadalo ng personal ang mambabatas o staff sa SONA ng Pangulo.

Facebook Comments